 |

Monday, December 13, 2004
I can say that im happy.. but i guess im not... confusing?? well it is confusing.. its really hard to have relationship pag oneway lang and thats how i feel at this time... i feel that im the only one who gives effort just for the relationship to works out..and i just realized why am i doing all those things to think theres a lot of guys out there courting me , flirting with me.. maybe just because i love this guy.. mahaba ang pasensya ko, but of course all things has ending, and i guess its near to end... i gave my best shots just to work this out. sabi nga ni james ingram na "i guess that my best wasn't good enough" ... i cant see anything wrong with me,
i havent felt that he's proud of me, i never felt that im his partner, even im not tha good looking but if you can see the inside of me, you will see the real beauty..beauty that has no one ever.. and im confident to say that.. now im strong enough to face the world with consequences.. im tired of being left alone, im tired of being martir,im tired of loving someone and you dont know and youre not sure that he really loves you.. its hard but i choosed this... and im ready what will happen next..
im still hoping that we could settle out all of this problem, i dont wanna talk to him and tell him na may pagkukulang na sya as partner, coz it would be unfair to me, just to make it up to me, i hate him to do those things that i want because i said so, i want him to do it because he likes it and he do it with all of his heart.. but as ive said malapit na ko mapuno, malapit na maubos ang pisi ko sa kanya.. im not saying that i need to do a revenge to him or get mad at him or hate him forevr, its not that, i just want make things ok between him and me. manhid na ko sa mga ginagawa nya, i dont know kung mawawala pa yung pagkamanhid ko.. tomorrow will be our 1st month..and sana maayos pa ang mga bagay na gusto kong mangyari..
Posted at Monday, December 13, 2004 by agent_erotic
ANONG PETSA NA!!
Saturday, November 06, 2004
napaka haba ng bakasyon, at napakahaba din ng panahong di ko na update ang blog na ito, hay kinakantyawan nako ng aking mahal na kaibigan na si kaizen na i delete at pagpahingahin na ng tuluyan ang blog na ito...
sa haba ng bakasyon eh hindi ko namalayan na pasukan na pala sa lunes.. gosh balik duty na naman ako..sa totoo lang mas gusto ko pa ang may pasok dahil di ako nababankante at naboboring..kahit na lagi maraming ginagawa eh enjoy naman at maraming natututunan.. sa haba ng bakasyon ko ay maraming pangyayari ang naganap.. kung iisa isahin ko naman eh baka tamarin nako mag type dito.. basta ang masasabi ko lang eh na enjoy ko ng labis ang bakasyong ito.. maraming naging bagong kaibigan at marami ding naging carreer.. aheeem!! speaking of carreer.. eh hindi talaga ako papaawat.. dahil sa mga carreer na yan eh nawiwindang ang buhay ko.. pero di dalat ako mag atubili at mabahala dahil kaya sila lahat ng powers ko.. anyway.. ayoko na nga mangarir,, sa pagkakataong ito.. may isang taong napakagwapo na mukhang seryoso sakin..hmmmm sana nga.. so far wala pa naman akong nakikitang masama eh.. for me he's fine.. fine sugar talaga dahil sobrang sweet at caring.. pag magkasama kami eh talagang humahaba ang hair ko at parang gusto kong pagpahot oil at magparebond sa sobrang haba..hay.. basta as of now masaya ako.. update ko na lang kayo what will happen next...
Posted at Saturday, November 06, 2004 by agent_erotic
ANONG PETSA NA!!
Wednesday, September 22, 2004
PANAGINIP BA YUN O TOTOO?
alas sais na ng umaga ako natulog....alam ko na naginip ako .. pero etoy isang simpleng panaginip lang at masasabi ko talagang panaginip ..nagising ako sa una kong panaginip . . .dahil sa sobrang antok ko ay nakatulog akong muli.. ng sa pagtulog kong iyon nanaginip akong muli ng isang babaeng naka itim.. karaniwan na sa akin ang makakita ng ganun kahit gising pako.. ngunit sa panaginip kong iyon akoy takot na takot, di makapagsalita .. at di makagalaw.. alam kong muli na iyon lang ay isang panaginip dahil naalala ko habang akoy nananaginip na akoy natutulog lamang...ng maalala ko iyon ay pinilit kong gumising...sa pagpilit ko ng aking paggising..ibinukas ko ang aking mga mata ng katamtaman at akoy kampante na at gising nako.. ng ninais kong muli matulog.. naramdaman ko na may kamay na nakahawak sa ilalim ng aking ulo (parang unan) at pilit hinawakan ng madiin ang aking ulo...naramdaman ko ang sakit . . .dahil sa sakit na yun hinawakan ko ang kamay na nakahawak sa aking ulo at nahawakan ko ang kanyang hintuturo na napakalaki...napakalamig at pilit nyang iginagalaw ang daliri na aking nahawakan...ipinilit kong itagilid ang aking ulo sa bandang kanan at nakita ko ang isang nakaitim na nakatabi sakin..hindi ko nakita kung anong hitsura nya.. ngunit sa sobrang takot at sakit siniko ko ang katabi kong iyon na napakaraming beses...habang ginagawa ko iyon ay sinabayan ko ng dasal...hanggang sa mapagod ako...naramdaman kong wala na ang nakahawak sa aking ulo...at muli kong iminulat ang aking mga mata...wala na...
sa mga pangyayaring ito ...akoy naguguluhan..ito bay panaginip ko lamang o totoong nangyari.. maski sa aking isipan akoy naguguluhan....sanay mabigyan kasagutan ang tanung kong ito... at sanay wag na ulit maulit...
Posted at Wednesday, September 22, 2004 by agent_erotic
ANONG PETSA NA!!
Saturday, September 18, 2004
haay.. kawawa naman ang blog ko...di na naasikaso ng may ari.. pasensya na mga giliw kong mga taga basa at taga daan dito sa aking blog ako po'y sobrang abala sa aking pag aaral nitong mga nakaraang linggo.DUMAAN NA ANG BAGYO AT LINDOL eh ngayon lang ako makakapagsulat sa akong blog..:)
sa aking pagbabalik , nais ko sanang ipaalam sa inyo sa likod ng pagiging abala at pagod ay may nagsilbling inspirasyon at nag aalis pagod sakin.. naks!! masasabi kong ako talaga ay isang mapalad na tao dahil nakilala ko ang isang taong grabe ang malasakit at pang unawa sakin...sya ang taong masasabi kong pwede kong pagkatiwalaan at pwede kong malapitan sa ano mang oras.. sa dami ng mga pagpaparamdam at pagpapahiwatig ng ibang tao sakin eh itong taong ito ay kakaiba sa lahat...
noon pa lang bago kami magkita napakabait at napaka sweet na talaga nya sakin..pero sa mga ginagawa nyang yun eh meron na syang nais ipahiwatig....tinanung ko sya ukol sa kanyang nararamdaman at mukhang may gusto syang sabihin ngunit sya'y nagmistulang pipi.... isang araw ng pumunta sya sa aking bahay at nangakong may dala syang surpresa , ngunit sinabi ko sa kanya na kahit wala ng surpresa makita ko lang sya ay ok na...pero sa loob loob ko , ako ay kinikilig at nakangiti ang aking mga puso...nang dumating sya sa aking bahay.. meron syang dalang paper bag...ako naman ay masyadong nagalak at feeling ko eh yun na ang surpresang dala nya para sakin.. una nyang inabot ang isang CHIME (yung tumitililing sa pinto?yun ba tawag dun? o basta whatever chuva yun na yun) .. tapos pangalawang inabot nya eh isang unan na maliit na kulay green ( favorite color ni kuya koj).. tapos may pic nya..tapos pangatlo nyang inabot eh isang cake na may na korteng PUSO na may nakalagay na "BREADTALKS".. hmmmm korteng puso?? breadtalks?? hmm? ano sa palagay nyo?? at sabi nya na pipi daw sya kaya ang "bread" na lang ang nagsabi ... as if naman may bibig yung bread no!! magtanga tangahan daw ba?? malamang korteng puso.. at infairness.. pink ang color nung cake na may icing..cute.. kakakilig..
ayun... speechless ako.. and i didnt know how to react.. syempre nag thank you naman ako.. at grabeh sobrang naappreciate ko lahat yung binigay nya... haay may pangalawa pa daw syang ibibigay... ano kaya yun?? sige isulat ko ulet dito kung ano man yun...:)
Posted at Saturday, September 18, 2004 by agent_erotic
ANONG PETSA NA!!
Saturday, September 04, 2004
Attention! Attention! A very important Love Tactic to follow. I know we've all done this, but you can't say how you feel before the time is right. If you express your feelings too soon, you may just scare them off. Its okay to show you’re interested, but don't say it - either out aloud or in writing. Declaring your love or speaking of your future together puts a lot of pressure on someone who may not know what they want, even if you do. So don't make them feel like it's all or nothing. If seeing you implies a commitment they're not ready for…they may fly away rather than risk leading you on. People are drawn to situations that produce pleasure, not pressure. They'll give up some of their freedom but only after they're convinced the trade-off is worth it. So you need to win them over by showing consistent, caring attention without saying anything that makes them feel they have to reciprocate your feelings. Once your special someone is convinced you're the one, there'll be plenty of time to start receiving love in return.
Posted at Saturday, September 04, 2004 by agent_erotic
ANONG PETSA NA!!
Friday, September 03, 2004
WALANG KAKWENTA KWENTANG ARAW
dumating ako ng alas sais ng umaga galing sa aking duty ... (aheem ako po ay dakilang nurse hindi gwardya..) inaasahan akong babayaran ako ng aking tiyahin sa kanyang pagkakautang dahil noong abril pa ang utang na iyon at wala na kong pera at kailangan na nya ko bayaran...pagkadating ko sa aking bahay..naglaba ako ng aking uniporme .. at iniintay ko syang lumabas at para narin ako ay mabayaran.. sa tagal nyang lumabas.. kailangan kong patagalin ang aking nilalaban. kahit akoy antok na antok na eh talagang hinintay ko sya.. dinagdagan ko pa tuloy ang nilalaban ko para lang maantay ko sya na lumabas.. haay halos natapos ko na lahat ang aking labahan.. nagsasampay na ko ..at ayun punyeta.. saka lang lumabas at inabot na ang pera na kanyang inutang.. sa sobrang antok at pagod ko ay sinabakan ko kagad ng tulog.. alas kwatro kinse ng akoy nagising.. pagkatapos nagbukas ng internet at nag check ng blog na ito.. feeling ko walang ka sense sense ang sinulat ko today.. hay walang kulay na naganap sa aking buhay today..pasensya na mga mambabasa hayaan nyo sa susunod bibigyan ko kayo ng mga babasahing inyong ikaka aliw at ikamamangha.. pangako yan...
sige na mga katoto at akoy maghahanda na sa muli kong pagpasok.. for sure ngarag na naman ako pag kauwi ko dito sa bahay.. peace!!!
Posted at Friday, September 03, 2004 by agent_erotic
ANONG PETSA NA!!
wala lang.. just checking dis out..
hey AGENT! wala lang, tama ba itong ginawa ko??
**sigh**
anyway, c AGENT? isa siyang gorgeous na nilalang..
kami'y manghang mangha sa angking niyang kagandahan..
madaming nahuhumaling sa kagandahan ng aking kaibigan na ito..
totoo yan at pwera biro, siya ang hinahanap plagi sa aming grupo...
ang tanong ko sa aking sarili : "anu ang merun sya na wala ako?" tlgang iniisip ko yan hanggan sa aking pagtulog sa gabi.. siguro nga merun siyang isang katangian na nakakatawag pansin at tlga namang kakaiba.. hay.. ganyan tlga ang buhay, minsan wala ka ng meron ang iba...
so, i'll conclude this entry by singing..
MAYBE.. THERE'LL BE NO FALLING STAR THIS TIME AROUND..
I'LL STILL BELIEVE IT..
HONESTY, IS ALL WE EVER NEED...
YOU AND ME AGAIN...
alryt.. everytime i hear this song kase... its AGENT's voice i remember..
cge, i'll end it here muna...
*mwah*
Posted at Friday, September 03, 2004 by agent_pupy
ANONG PETSA NA!!
Thursday, September 02, 2004
hay naku, kagabi meron akong nakilala.. we spent the night together... kwentuhan... getting to know each other.. physical therapy sya.. sa tagal ng aming usapan eh natanto ko na isa syang mabuting tao.. napag alaman ko din na isa sya sa biktima ng ozone disco... ng nangyari ang mga kaganapan na yun ay aking kaarawan.. kaya isa pala sya sa mga dahilan kung bakit di naging masaya ang birthday ko nun, kung iisipin mo eh, may gana pa ba akong magsaya ng mga panahong iyon gayong alam mong ma sakunang nangyari at marami ang napahamak.. kaya that year hindi nako nagcelebrate ng aking party, nagpunta na lang ako sa church at pinagdasal ko sila.. sa dasal kong iyon ay may mga taong nakaligtas at isa si angelo dun( yung PT na nakilala ko).. naging masarap ang aming usapan
pero may mga nasabi na naman sya na lagi kong naririnig sa ibang mga nakikilala ko.. may kakaiba daw silang connection na nararamdaman sakin at magaan ang loob nila sakin..di ko lang naman sa kanya narinig ang mga bagay na yun, maraming beses na....alam ko na kung ano man ang kanyang gustong ipahiwatig..ngunit ang mag pahiwatig na iyon ay ipinagbawalang bahala ko na lamang dahil ayoko na maulit ulit ang mga pangyayari nung mga nakaraang linggo..
sa sobrang dami namin napagkwentuhan eh inabutan na kami ng umaga...may mga nabanggit syang sana eh tumagal pa ang oras at wag muna mag umaga dahil gusto pa daw nya ko makasama.. haay.. bakit kaya ganun?? akoy bay may angking kagandahan ??yak!!! o sadya lamang na mabait ako sa mga tao?ang huli nyang salita na sinabi sakin eh "mamimiss kita" .. well sabi ko naman sa kanya na "im just text away" :) umalis sya ng may ngiti sa kanyang mga labi , at ako naman ay may kagalakan sa aking puso dahil nadagdagan na naman ang mga mababait kong kaibigan..kayo? gusto nyo ba kong maging kaibigan?
dito lang ako.. nag aantay sa mga mensahe at komento nyo..
P.S. papasok na ko.. haay pang gabi na naman ako.. kakatamad.. greeeeeeeeee!
Posted at Thursday, September 02, 2004 by agent_erotic
ANONG PETSA NA!!
ayan at last eh may blog na din ako.. salamat sa mga butihin kong mga kaibigan.. lalong lalo na kay kuya koj .. sya ang nang ingganyo sakin na mag sign up sa blog.. at kung hindi rin sa kaalaman ng mga butihin kong kaibigan na sina kaizen at ycel at ida eh wala sana itong blog na ito..
silang apat ang mga kabilang sa mga espesyal sa aking buhay.. sila ang mga kaibigang alam kong laging nandyan upang tumulong at magmahal sakin.. naks.. eto bay epekto ng masamang ispirito , walang tulog? o sadyang akoy nagiging makata lamang...
ang blog na ito ay magsisilbing libro ng aking buhay... mga pangyayari at nagaganap sa pang araw araw.. ang blog na ito ay bukas kahit kanino man..
ipagbigay alam lang po sa akin kung gusto nyo maging author ng blog na ito at maari kayong magsumite ng mga artikulo at mga bagay bagay na maari yung ibahagi upang sa gayon ay magkaroon ng kulay at saya ang blog na ito.. maraming salamat po sa inyong pagtangkilik sa blogdrive.com...
umaasa ako sa inyong mga komento...:)
Posted at Thursday, September 02, 2004 by agent_erotic
ANONG PETSA NA!!
|
 |
|
|
|
 |
 "you have to have confidence in your ability, and then be tough enough to follow through"
"DROP-A-LINE"
|
 |
 |

+639214100999
|
 |
|
|